The previous night I dreamed about Taylor Swift, ewan, nagparamdam lang siguro, nagtampo dahil di ko na siya pinapansin. Its my third time to dream about her, the first and the second halos ayaw ko ng gumising and sobrang excited ako ikuwento sa mga friends ko. Ikinuwento ko sa halos lahat. Ikaw ba naman maging pinsan mo si Taylor Swift. Ang saya ko lang kasi kahit sa panaginip naging cousin ko siya then super close daw naming and she told me lots of stuffs. Though I know in reality its so impossible. Pero malay natin, ampon lang pala ako ng parents ko then my real parents are Taylor ’s too. LOL. *baliw lang*
My last dream about Taylor parang totoo kasi dun talagang hamak na fan lang ako and Taylor is Taylor . Nagkaroon daw ako ng chance maging VIP sa ‘meet and greet’ niya kasi I purchased enough products from ‘National Bookstore’ (yes, may ‘National Bookstore’ dun sa panaginip ko) to avail a VIP ticket for her ‘meet and greet’. Pero di ko akalain na yung ‘meet and greet’ eh magiging ‘super hang out with Taylor Swift’. Nakapasok ako sa tinutuluyan niya, pumunta siya sa bahay namin, kinain niya ang kahit anong ipakain namin sa kanya, then tini-tweet niya lahat ng ginagawa naming at mawawala ba naman ang picture-picture? Ang saya niyang kasama. Sobra. So, kinuha ko lahat ng TaySwift collectibles ko sa loob ng bahay, paglabas ko wala na siya. Talagang hinabol ko sa hanggang sa kalsada dala-dala ko lahat ng collectibles, magazines, mug, t-shirt, pictures and posters. Sa kasamaang palad bigla na lang siyang naglaho. Hindi ko na siya nakita, halos mawalan ako ng boses sa sobrang iyak ko at sa kakasigaw ng pangalan niya dahil di ko man lang nakuha yung signature niya. *sigh*
Then, nagising na ako…
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng panaginip kong yun. Pero siguro nga nagpaparamdam si Taylor Swift (multo??!!). Kasi nung high school ako as in siya ang ultimate fandom ko. Every computer class ipinagpapaliban ko yung mga laboratory works namin dahil busy ako kakasearch ng mga latest about kay Taylor, busy ako kakatweet sa kanya, busy ako kakasign up sa halos lahat ng fansite niya, busy ako kakacollect ng mga pictures niya and talagang binabalik-balikan ko yung mga for sale Taylor collectibles sa web site niya. Halos bilhin ko lahat ng magazines na siya ang cover o di kaya kahit special feature lang siya. Kahit nga di ko type yung magazine basta siya ang cover binibili ko at kung wala naman akong budget ipinapareserve ko (close na kasi kami ng cashier dun sa bookstore kasi halos every week andun ako, yun nga yung favorite place to hang out namin ng mga friends ko). Marami din akong posters niya. Halos every corner of my room may mukha niya. Then nung Christmas party namin, talagang alam na alam ng mga classmates ko kung ano yung ireregalo sa akin. I received a mug with Taylor ’s face on it! Super napasigaw ako sa tuwa. Ang di ko lang maafford eh yung mga album niya. Wala! Di ko kinayang pag-ipunan eh. Kahit ilang beses kong balik-balikan sa music store wala pa rin akong pambili. Wala naman akong trabaho, talagang umaasa lang ako sa allowance na binibigay ng parents ko. Eh ako naman sobrang magastos pagdating sa mga bagay-bagay kaya hindi ko kinayang mag-ipon para sa album niya. Ganun ako kabaliw kay Taylor NOON.
Now, halos makalimutan ko na siya kasi nga may bago na akong fandom pero palagi ko namang pinapaalala sa sarili ko na she was once a part of me, that she was once my inspiration and that she was the one who showed me things that I never saw before and that’s because of her and her songs. Kaya sabi ko di ko siya dapat kalimutan ng ganun na lang. Just because I found someone else kakalimutan ko na siya? NO! Once a SWIFTIE always a SWIFTIE, I will always be her… (I won’t say number one fan because I know there are a lot of Swiftie that are more deserving with that title than I do) big FAN!



